ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Makakatanggap ka ng mga Impormasyon para Iwas Sakuna (Disaster Prevention) sa e-mail

本文

Makakatanggap ka ng mga Impormasyon para Iwas Sakuna (Disaster Prevention) sa e-mail

ページID:0063763 更新日:2025年4月10日更新 印刷ページ表示

May mga panahon na dapat lumikas kapag may mga sakuna (disaster) na dumarating. Ang Takasaki City po ay magpapadala ng e-mail message (impormasyon) para magbigay ng impormasyon sa paglikas. Ang impormasyon ay tungkol sa mapanganib na panahon, sa klima at iba pang mga bagay na emergency. Ang matatanggap na e-mail message ay nakasulat sa ibat-ibang wika, at ang mga ito ay isasalin sa pamamagitan ng computer. Para po makatanggap ng e-mail message, dapat ay mag-pa-register.

Mga Wikang Gagamitin

Ang e-mail service na ito ay isasalin ng computer sa anim 6 na mga wika.

  • English
  • Portuguese 
  • Chinese 
  • Vietnamese
  • Korean

Paraan sa pag-re-Register

Kung mayroon kayong access sa e-mail, gamit ang mobile o cellphone o computer, kahit sino ay puwedeng magpa-register. Kapag binuksan sa ibaba ang PDF files, makikita ninyo ang QR code na nakapaloob nito. At kapag ang QR code ay binuksan o binasa (i-click), lalabas ang screen ng e-mail software (na kung saan puwede kang mag padala ng e-mail message.) At ipadala (i-send) ang e-mail message na walang laman o blanko.

Kapag hindi nagbago ang screen, gamit ang iyong e-mail software, gumawa ng panibagong e-mail message (o Shinki Sakusei), at ipadala (i-send) ang blankong e-mail message, na kung saan ang padadalhang e-mail address ay nakasulat sa ibaba.

Nandirito po ang PDF file [PDFファイル/731KB]

Naririto ang e-mail address

  • English: en-bousai.takasaki-city@raiden2.ktaiwork.jp
  • Portuguese: pt-bousai.takasaki-city@raiden2.ktaiwork.jp
  • Chinese Traditional: ch-bousai.takasaki-city@raiden2.ktaiwork.jp
  • Chinese Simplified: cn-bousai.takasaki-city@raiden2.ktaiwork.jp
  • Vietnamese: vi-bousai.takasaki-city@raiden2.ktaiwork.jp
  • Korean: ko-bousai.takasaki-city@raiden2.ktaiwork.jp

Paraan Para Mabura ang Registration

Kung nais po na hindi makatanggap ng e-mail message, sa dulo ng e-mail message ay may mababasang ”henkou haishin teisei”. Kapag ito ay i-click, lalabas ang “haishin teishi” o “tigil padala”, at ito ay piliin, at doon kanselahen ang registration.

Kung nais naman po na palitan ang lumang e-mail address ng bagong e-mail address, dapat burahin o i-cancel ang lumang e-mail address, at ipa-register ang bagong e-mail address.

Mga Dapat Tandaan

  • Dahil nga computer ang magsasalin, hindi po mananagot ang Takasaki City sa mga maling naisalin
  • Bagamat ang pag-re-register ay libre, kayo po ang magbabayad sa e-mail message na iyung ginagamit
  • Ang e-mail message ay maaring dumating sa umaga man o sa gabi
  • Bago magpa-register, dapat ang iyung e-mail software ay naka-set, gamit ang [@raiden2.ktaiwork.jp], na pede ang magpadala at pede ang magtanggap ng e-mail message.
  • Kung hindi po ninyo kabisado ang paggamit ng inyong e-mail software, tumawag o kontakin ang inyong smartphone provider.

Contact Information

Disaster and Safety Department

Tel: 027-321-1352

Email: bousai@city.takasaki.gunma.jp

Adobe Reader<外部リンク>
PDF形式のファイルをご覧いただく場合には、Adobe社が提供するAdobe Readerが必要です。
Adobe Readerをお持ちでない方は、バナーのリンク先からダウンロードしてください。(無料)

Foreign Languages (外国語)