ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Tungkol sa bayarin sa buwis sa sasakyan/automobile, Jidousha Zei

本文

Tungkol sa bayarin sa buwis sa sasakyan/automobile, Jidousha Zei

ページID:0065690 更新日:2025年5月9日更新 印刷ページ表示

Magpapalabas ng bayarin ng buwis para sa mga magagaang sasakyan, o kaya, light vehicles (kei jidousha) at sa mga ordinaryong (hindi magaan) sasakyan. Ang nakalaang palugit sa pagbayad ay ika 2 ng Hunyo.

Exemptions para sa buwis sa magaan na sasakyan

Ang mga taong eligible o qualified sa exemptions: ay may dis-ability sa pisikal, ay may kakulangan sa pag-iisip, ay may malubhang problema sa emosyon, at biktima/nagpapagaling dahil sa giyera. Sila ang maaring makatanggap ng exemptions sa buwis sa mga magagaang sasakyan (kei jidousha), kapag nakapasa sa mga requirements.

Ang mga taong exempted na sa buwis sa ordinaryong sasakyan (futsu jidousha zei), na tumatanggap ng tulong sa Disability Welfare Divison, o tumatanggap ng Card Bus para gamitin sa Gunma, sila ay hindi na makaka-avail pa ng exemptions sa buwis para sa magagaang sasakyan (kei jidousha).

Para makatanggap ng exemption ay dapat mag-apply hanggang ika 2 ng Hunyo.

Mga Bagay na Kakailanganin

Heto ang mga bagay na dapat dalhin sa 2F ng city hall, sa Property Tax Division (Seizan Zei Ka), o pumunta lamang sa mga lokal (branches) na opisina nito:

  • Physical Dis-ability Card, o anumang disability cards
  • Form sa Buwis na Babayaran (Nozeitsuchi Sho) 
  • Car Check Certificate (Shaken Sho)
  • Certificate ng Driver License, sa normal na nagmamaneho
  • My Number, (Personal Number), ng taong magbabayad ng buwis
  • Mga bagay na Puwedeng Magamit sa Kompirmasyon Pang-personal

Contact Address

  • Buwis ng ordinaryong sasakyan, (jidousha zei), Pamahalaan ng Takasaki, Prefectural Tax Office, Tel 027-322-6297
  • Buwis ng magaang sasakyan, o kaya, light vehicular tax, (kei jidousha zei): Property Tax Division, (Shizan Zei Ka) tel: 027-321-1217

Foreign Languages (外国語)