本文
Makakabili na ng ticket para sa pag-disposed (pagtapon) ng malalaking basura (soudai gumi), gamit lang po ang multi-functional copy machines na nasa loob ng Seven Eleven convenient stores sa buong bansa. Makakabili ng ticket kahit na nasa labas ng lungsod, kahit sa gabi, kahit na anong oras at kahit saang lugar. 520 yen ang bawat isang piraso.
Sa loob po ng store ay makikita ang multi-functional copy machine. Gamit ang machine, una munang ipalabas ang slip payment (o pay slip), at pagkatapos nito ay dalhin ang nagawang pay slip sa register counter, sa loob ng 30 minuto. Bayaran ito at tanggapin ang ibibigay na ticket (gumi shoriken) para sa pag-disposed ng malalaking basura (soudai gumi).
Ang pinandidikit na seal para sa pag-disposed ay mananatiling mabibili sa mga sumusunod: sa city hall, sa citizens service center, at sa mga lokal na branches ng shimin fukushi ka (citizens welfare department).
一般廃棄物対策課 (Ippan Haikibutsu Taishaku Ka)
General Waste Management Division
Tel: 027-321-1253