ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Tungkol sa mga uri ng babayaran, tulad ng buwis

本文

Tungkol sa mga uri ng babayaran, tulad ng buwis

ページID:0070923 更新日:2025年7月24日更新 印刷ページ表示

Maraming mga uri ng buwis, insurance, consumption fee, at iba pa

  • Buwis ng ariarian
  • Buwis ng siudad at lalawigan
  • Buwis para sa national insurance (Kokumin kenkou hoken zei)
  • Buwis para sa magagaang sasakyan (Kei jidousha zei)
  • Bayad ng insurance sa masinsinang pag-aaruga (Kaigou hoken ryo)
  • Bayad ng insurance ng mga matatandang seniors (Kouki kourei hoken ryo)
  • Bayaran sa pabahay ng lungsod
  • 保育料 Bayad para sa pag-aaruga sa mga bata

Panahon ng pagbabayad

Dahil nga may ibat-ibang uri ng buwis, ang paraan at ang dami ng pagbabayad sa mga ito ay ibaiba rin. May extra charge ang ibang babayarin kapag ito ay na-delay sa pagbabayad. Lumapit at kumonsulta sa city hall kung magigipit sa oras ng pagbayad.

Gawing gabay sa ibaba ang listahan ng panahon ng bayaran

Listahan ng Panahon ng Pagpapadala ng Buwis/Babayarin ng Lungsod ng Takasaki

Uri or Type/ Date ng Pagbabayad

Abril

Mayo

Hunyo

Hulyo

Agosto

Septembre

Oktubre

Nobyembre

Disyembre

Enero

Pebrero

Marso

Buwis ng ariarian

Unang beses

   

Pangalawang beses

 

Pangatlong beses

   

Pang-apat na beses

 

     

Buwis ng siudad at lalawigan

   

Unang beses

 

Pangalawang beses

 

Pangatlong beses

   

Pang-apat na beses

   

Buwis para sa national insurance (Kokumin kenkou hoken zei) 

     

Unang beses

Pangalawang beses

Pangatlong beses

Pang-apat na beses

Pang-limang beses

Pang-anim na beses

Pang-pitong beses

Pang-walong beses

Pang-siyam na beses

Buwis sa magagaang sasakyan (Kei jidousha zei)

 

Buong kapanahunan

                   

Bayad ng insurance sa masinsinang  pag-aaruga   (Kaigou hoken zei) 

     

Unang beses

Pangalawang beses

Pangatlong beses

Pang-apat na beses

Pang-limang beses

Pang-anim na beses

Pang-pitong beses

Pang-walong beses

Pang-siyam na beses

Bayad sa insurance ng matatandang seniors

      Unang beses Pangalawang beses Pangatlong beses Pang-apat na beses Pang-limang beses Pang-anim na beses Pang-pitong beses Pang-walong beses Pang-siyam na beses

Bayaran sa pabahay ng lungsod

Abril

Mayo

Hunyo

Hulyo

Agosto

Septembre

Oktubre

Nobyembre

Disyembre

Enero

Pebrero

Marso

Bayad para sa  pag-aaruga sa mga bata

Abril Mayo

Hunyo

Hulyo

Agosto

Septembre

Oktubre

Nobyembre Disyembre Enero Pebrero Marso

Paraan ng pagbabayad

Ang bawat buwis ay may kanya kanyang paraan ng pagbabayad. May tatlong malalaking (major) pamamaraan ng pagbabayad.

Pagbabayad ng cash

Kung nakatanggap na ng bill (listahan ng mga babayaran) sa pamamagitan ng post office, puwede mo na itong bayaran ng cash. Maraming mga lugar na maaring piliin para magbayad. Tulad sa:  

  • Sa city hall ng lungsod ng Takasaki, sa Nouzei Ka (Tax Department) (2F, window 34)
  • Sa mga local branches ng Nouzei-Ka (Tax Department)
  • Sa mga financial institutions na itinalaga ng lungsod ng Takasaki, o kaya sa banko ng post office
  • Sa mga convenient stores

Kung nais ipagawa ulit ang bill, o listahan ng mga babayaran, pumunta lang po kayo sa itinalagang window sa city hall, o kaya sa mga local branches ng mga ito.

Pagbabayad sa banko (Kouza Furikae) 

Gamit ang bank account ng mga itinalagang financial institutions ng lungsod ng Takasaki, o kaya, ang banko ng post office (yuucho ginko), gamitin ang bank-account money-transfer sa pagbabayad, para sa ano mang babayaran. 

Para makakuha ng application ng kouza furikae, o bank account transfer, pumunta sa mga itinalagang financial institutions (mga banko, halimbawa) ng lungsod ng Takasaki, o kaya, banko ng post office, at mag-submit ng application para makakuha nito. Dalhin ang mga requirements tulad ng: bill (o listahan ng mga babayaran), IDs at bank account passbook, at nakarehistrong hankou o stamp. Doon sa itinalagang financial institutions, o kaya sa banko ng post office, mayroon doon na form na tinatawag na “account-transfer request form”, o kaya, ”kouza furikae irai sho”, i-fill up ang mga tanong dito, at ipasa (i-submit) sa mga window ng nasabing financial institutions, o kaya, sa banko ng post office.

Pagbabayad gamit ang smartphones

Kung mayroong QR code ang bill, o listahan ng mga babayaran, puwedeng gamitin ang mga applications na makikita sa ibaba para magbayad

  • PayPay
  • Au Pay
  • D払い (D Pay)
  • JーCoin Pay

Contact Information

Tax Department (Nouzei Ka)

Tel: 027-321-1216


Foreign Languages (外国語)