本文
Ang gobyerno ng Japan ay magkakaroon ng census. Ang census ay ang pagtatala ng mga dami ng taong naninirahan sa Japan. Nakasaad sa batas na dapat sagutin ang census ng tama. Ang mga dayuhang nakatira sa Japan ay dapat sagutin din ang census ng tama, at makipagtulungan din.
Magsimula sa September 9, 2025, Sabado, ibibigay (distribute) na ang form ng census. Kung wala ang kinauukulan, ilalagay sa loob ng post office mail box ang envelope na naglalaman ng form ng census. Ang larawan (picture) ng envelope para sa census ay makikita sa ibaba.
Puwedeng sumagot gamit ang internet o mail post. Ang pagsa-submit ng sagot ay depende ayun na rin sa paraan ng pagsagot.
Sa mga taong sasagot sa pamamagitan ng internet, buksan at i-confirm dito sa multi-lingual pamphlet ang pagsagot [PDFファイル/1.2MB]. Ang link, o kaya QR code, ay makikita sa pangalawang pahina. At ang official website ay puwedeng basahin ng 28 lingguwahe.