本文
Dahil na rin sa mga bagay na di inaasahan sa loob ng pamilya, ang ”Young Carer“ ay ang mga bata na umaako ng mga bagay na dapat ang mga matatanda ang gumagawa, tulad ng paggawa ng mga gawaing bahay o pag-aalaga ng matatatanda, o pag-aalaga sa mga nakakabatang kapatid, at iba pa. Ang mga batang ito ay halos wala na silang mga oras para mag-aral, o maki-pag-kaibigan man, o ang mamuhay (maranasan) na parang isang bata. At ang mga ito ang mga nagbibigay pabigat sa kanila. Para mabawasan ang mga pabigat na ito, ang lungsod ng Takasaki ay gumagawa sila ng program na tinatawag na “Young Carer-SOS”.
Ang serbisyo ay libre. Ang target na mga tutulungan ay ang mga estudyante mula elementary school hanggang high school, na kung saan, araw-araw nilang ginaganap ang paggawa sa gawaing bahay at ang pag-aaruga sa mga matatanda. Available pong gamitin ang programang ito ng dalawang oras (2 hours) , dalawang araw bawat linggo.
Dalawang supporters ang bibisita sa bahay, at ang pagbibigay ng suportang gaganapin ay ayun na rin sa kalagayan ng bata.
Kontakin lang po ang Gakkou Kyouiku Ka, ỏ, School Education Division. Puede ang konsultasyon sa tawag o sa mail messages.
Gakkou Kyouiku Ka (School Education Division), Support Manager ng Young Carer
Tel: 027-321-1170 (専用電話) Official telephone
Email: yc1170@city.takasaki.gunma.jp