ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Counter ng Konsultasyon para sa Child Abuse

本文

Counter ng Konsultasyon para sa Child Abuse

ページID:0075303 更新日:2025年10月9日更新 印刷ページ表示

Ang child abuse ay hindi lang nasusugatan ang mental na bahagi ng mga bata, kung hindi, maari nila itong ikamatay. Para iligtas ang mga bata sa mga abuso, napakahalaga na malaman agad, matuklasan agad ang mga nangyayari ng pang-a-abuso.

Ano ba ang Child Abuse?

Ang child abuse ay kalimitang nangyayari sa loob ng tahanan, at ito ay hindi nakikita sa labas. Bagamat “para sa disiplina” ang palaging sinasabi ng mga magulang, subalit ang violence at ang mga masasakit na salita ay isang uri ng pang-aabuso. Ang mga halimbawa ay nasa ibaba:

  • Abusong Pisikal: panununtok, panghahampas, paninipa, at ang masakitang pangyu-yugyog
  • Abusong mental: masakit manalita, tahasang pagpapabaya, hindi pantay ang trato ng bawat anak
  • Abusong sexual: ang aktual na paggawa ng mahalay, ang pagpapakita ng mga mahahalay na bagay
  • Neglect o Pagpapabaya: nila-lock sa loob ng bahay, hindi binibigyan ng pagkain, nila-lock o pinababayaan sa loob ng sasakyan

Ang Nagagawa ng Counter ng Konsultasyon

Kung naiisip mo na “maaring abuso”, huwag mag-atubiling lumapit at kontakin ang consultation counter. Protektado po ang privacy sa taong tumawag.

Child Relief Division

Tel: 027-345-5189 (24 oras)

Jidou Soudanjo Zenkoku Kyoutsu Dayaru, o kaya, Dial for Child Abuse Consultation Place Nationwide

Kapag nag dial ng “189”, automatic na iko-connect ka sa pinaka malapit na counseling counter para sa child abuse.

Tel: 189 (24 oras)


Foreign Languages (外国語)