本文
Ang ReUse Center ng lungsod ng Takasaki ay gumagawa ng event para kunin ang mga di na kailangang mga bagay na galing sa bahay. At ito ay ginaganap ng dalawang (2) beses sa isang taon. Ang susunod na event ay nakatakda sa darating na Nobyembre 8, Sabado, at Nobyembre 9, Linggo, sa oras na 9:30 ng umaga, hanggang alas dos (2) ng hapon. Ang lugar kung saan gaganapin ay: Takasaki ReUse Center (Kuragano Machi, NTT Higashi Nippon, sa loob ng compound ng Kanshin Etsu)
Ang mga bagay na maaaring kunin/dalhin
Dapat malinis ang basurang mga itatapon, at iyun lang din ang tatanggapin. Dahil sa maraming mga tinatapon, may mga bagay rin na di dapat isali. Para sa mga karagdagang detalye, buksan ang HP ng lungsod o kontakin ang Ippan Haikibutsu Taishaku Ka, at pagna-confirm na ang lahat, dalhin ang mga bagay na di na kailangan (basura) sa Takasaki City ReUse Center.
Mga bagay na puedeng kunin o dalhin
Ang bayad ay cash lamang. Ang bayaran ay sa lugar at oras ng pagdala ng basura.
Ippan Haikibutsu Taishaku Ka (General Waste Management Division)
Tel: 027-321-1253