ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Available na ang Malawak na Parking Space para sa Nag-aaruga ng mga Bata

本文

Available na ang Malawak na Parking Space para sa Nag-aaruga ng mga Bata

ページID:0077285 更新日:2025年11月12日更新 印刷ページ表示

Ang lungsod ng Takasaki ay gumawa ng malawak na Parking Space para sa mga pamilyang may mga maliliit na anak. Kung sila ay bababa ng sasakyan, o natatakot na masagi ang katabing sasakyan, o maglabas o magpasok ng baby car, o ang pagsakay at pagbaba ng mga bata, dahil sa malawak na parking space na ginawa, magiging ligtas at mahinahon na ang paggamit ng sasakyan, kung lalabas ng bahay.

Mga Nasasakop

Ang mga buntis o ang mga pamilya na may pre-school na mga bata

Tungkol sa Paggami

Magagamit agad, di na kailangan pang mag-apply. May murang bayad na ka-presyo ng iba pang mga parking space.

Lugar ng Parking Space

May dalawang lugar na magagamit. Para ma-kompirma ang lugar, bisitahin lang ang HP ng Takasaki. Dito po ninyo i-kompirma.

2nd Parking Space na Basement

  • Unang Palapag (1F), sa Basement ng Takasaki City Hall
  • Bilang ng Parking space: 7 sasakyan
  • Schedule na Available: Lunes hanggang Sabado, tuwing 7:30 AM umaga hanggang 10:30 PM gabi, Linggo at Piesta Opisyal, tuwing 9:00 AM umaga hanggang 10:30 PM gabi

West Park 1000

  • Palapag: 2 palapag (2F)
  • Bilang ng Parking Space: 10 sasakyan
  • Oras na Bukas: 24 hours

Kontak Address

都市計画課    

Toshi Keikaku Ka

Urban Planning Division

Tel: 027-321-1269


Foreign Languages (外国語)