ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Tungkol sa pagggamit ng MyNumberCard bilang Health Insurance Card

本文

Tungkol sa pagggamit ng MyNumberCard bilang Health Insurance Card

ページID:0078254 更新日:2025年11月28日更新 印刷ページ表示

Magsimula sa Disyembre 2, 2025, ang dating ginagamit na Health Insurance Card ay hindi na maaring gamitin. Kung magpapatingin sa mga medical institutions o kung gagamit ng parmasya, dapat gamitin ang bagong card, ang MyNumberCard, bilang Health Insurance Card. Kaya lang, dapat munang ipa-rehistro ang bagong card na ito, bilang Health Insurance Card, at saka gamitin. Ang tawag sa panibagong card na ito, sa Nihonggo, ay “Myna Hokensho”.

Ang Ministry of Health, Labor and Welfare ay nagpalabas ng multi-lingual na babasahin/pamphlet tungkol sa Myna Hokensho. Available po ang 14 na ibat-ibang wika/lingguwahe. Para sa mga detalye, tingnan po ninyo ito<外部リンク>.

Paraan ng pagre-rehistro

May dalawang pamamaraan ng pagre-rehistro. Gamitin ang nakasulat sa itaas na multi-lingual na mga babasahin/pamphlet, at gamit ang pamphlet na ito, magpa-rehistro po kayo. Mayroon ding kinauukulang mga images, para rito.

Pagre-rehistro sa medical institution o sa parmasya

Dalhin po ang MyNumberCard sa medical institution o sa parmasya.

Pre-registration gamit ang smartphone

I-install po muna ang ”MynaPortal”, na software application, sa smartphone. Ihanda po ang dalawang uri ng passwords na gagamitin. (Unang uri ng password ay: apat na numero, na security pin, at ang pangalawang uri ay: yung ordinary password na ginagamit, PW.)

Paraan ng pagpa-health check-up

Kung magpapa tingin sa doctor (sa medical institutions), ipasok po ang Myna Hokensho sa card reader machine na inihanda ng medical institution na inyong pinuntahan. Kapag ipinasok na ang card, sa card reader machine, sa dapat paglalagyan, hihingin nito ang iyung security pin number, kaya huwag kalilimutan ang pin number na ito, dahil kailangan. 

Mag-ingat: May mga cases na ang card reader machine ay hindi puedeng mabasa (read) ang Myna Hokensho, kaya mas maigi na dalhin ang "Notification of Qualification Information, o Shikaku Jouhou no O-shirase", o kaya, "MynaPortal", para maigi ang pagpa-process.

Kapag hindi magamit ang Maina Hokensho

Kahit na hindi magamit ang Myna Hokensho, in rare cases, maari pa ring magpa check-up sa medical institution.

Kapag ang MyNumberCard ay nire-rehistro bilang Health Insurance Card

Noong una/dati, nai-isyuhan ng ”Notification of Qualification Information, o Shikaku Jouhou no O-shirase” ang sinumang may dala ng MyNumberCard, na pina-parehistro ito bilang "Maina Hokensho". Sa anumang kadahilanan, na di sinasadya, may mga cases na ang Myna Hokensho ay hindi magagamit. Kapag pinadala, ng sabay, ang dalawang ito: una, ang "Notification of Qualification Information" at ang "Maina Hokensho", maipa-patuloy ang pagpapatingin (o health check-up) sa hospital.

Notification of Qualification Information

Maari ring maipag patuloy ang pagpa tingin (o health check-up) sa mga medical institutions, kung maipapakita ng sabay ang "MynaPortal", isang software application, at screen shot ng “Screen ng Qualification Information”, na nai-download bilang isang PDF file.

Screen ng Qualification Information

Kapag ang MyNumberCard ay hindi pina-re-rehistro bilang Health Insurance Card

Pagkatapos ng Disyembre, 2024, ini-isyuhan ang mga taong walang MyNumberCard at mga taong hindi nagpapa-rehistro ng card, ng papeles, para sa "Certificate of Qualification, o Shikaku Kakunin Sho". Ang papeles na ito ay katumbas, o kapalit ito, ng Health Insurance Card o kaya Myna Hokensho, na magagamit.

Certificate of Qualification

Contact Address

Kung mayroon kayong dapat alamin, o kaya, may problema kayo sa mga bagay na ito, tumawag lang po sa Call Center.

Tungkol sa MyNumberCard or password, nawala, o ninakawan

  • Tel: 0120-0178-27
  • Available na mga lingguwahe, kapag 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi (lahat ng araw): English, Chinese, Korean, Espanyol, at Portuguese; kapag 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon (lahat ng araw): Wika ng Thailand, Nepalese, Wika ng Indonesia, Vietnamese at Tagalog

Tungkol sa sistema ng MyNumber・MainaPortal

  • Tel: 0120-0178-26
  • Available na mga lingguwahe: English, Chinese, Korean, Espanyol, Portuguese, Wika ng Thailand, Nepalese, Wika ng Indonesia, Vietnamese at Tagalog
  • Oras na bukas: Ordinaryong araw (normal days), mula 9:30 umaga hanggnag 8:00 ng gabi Sabado, Linggo at Piesta Opisyal, mula 9:30 umaga hanggang 5:30 ng hapon (Araw na hindi kasama, OFF days: Mula Disyembre 29 hanggang Enero 3, ng bagong taon)

Foreign Languages (外国語)