ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Umiwas sa Trouble na May Kaugnayan sa Oso (Kuma)

本文

Umiwas sa Trouble na May Kaugnayan sa Oso (Kuma)

ページID:0081430 更新日:2026年1月19日更新 印刷ページ表示

Dumarami ang mga nabibiktima ng kuma (oso) sa buong bansa ng Japan. Mag-ingat po kayo.

Ang lungsod ng Takasaki ay nagbuo ng emergency contact dial line para maiwasan ang pag-atake ng kuma (oso). Ang emergency contact dial line na ito ay tinatawag na “Takasaki Shi Kuma Shutsu Botsu SOS Dial”, o kaya, “Takasaki City Emergency Dial for Searching of Bear”.  Gumagamit din ng drone upang malaman kung saan lumalagi o gumagala ang mga kuma (oso). Pinag-aaralan ding itaboy ang mga ito, gamit na rin ng mga drones. Ito ay panigabong pamamaraan  para ma-protektahan ang mga taga lungsod ng Takasaki.

Tungkol sa Emergency Dial

Kapag nakakita ng kuma (oso) sa nasasakupan ng lungsod, tumawag po agad sa “Takasaki Shi Kuma Shutsu Botsu SOS Dial”.

Tel: 027-395-9090

Oras ng Pagtugon: 24 oras (kasama ang Sabado, Linggo at Piesta Opisyal)

Paraan para Maiwasan ang Trouble sa Kuma (oso)

Hanggang maaari, umiwas sa trouble na may koneksyon sa kuma (oso).

Para Hindi Lapitan ng Kuma (oso)

  • Anihin agad ang mga prutas, at huwag iwanan/itambak sa labas.
  • Lagyan ng safety net na bakod ang mga pananim.
  • Huwag gumawa ng lugar kung saan ang kuma (oso) ay makaka pagtago. I-manage ang lupain nang maayos.

Para Hindi Makasalubong ng Kuma (oso)

  • Magdala ng radyo, o kampanilya (bell) para sa kuma (oso), at gamitin ang mga ito para ipaalam na may tao na nandirito.
  • Kung papasok o pupunta sa bundok, magsama ng maraming tao.
  • Mag-ingat sa oras ng paglabas, ng madaling araw, o madilim na gabi/oras, na kung saan ang mga oras na ito ay aktibo ang mga kuma (oso).

Kontakin/Inquiry

Nourin-Ka (Department of Agriculture)

Tel: 027-321-1261


Foreign Languages (外国語)