ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Maghanda sa Paglilinis ng Yelo (Yuki)

本文

Maghanda sa Paglilinis ng Yelo (Yuki)

ページID:0081432 更新日:2026年1月19日更新 印刷ページ表示

Nagye-yelo rin ang lungsod ng Takasaki. Kahit na kaunti lang ang pagbagsak/pag-ulan ng yelo, nagdadala rin ito ng panganib. Para di mabigla sa pag-ulan ng yelo, paghandaan natin ito. Kung ang pag-ulan ng yelo ay naparami, pumunta lang sa HP ng lungsod ng Takasaki, at doon alamin ang mga tugon ng lungsod tungkol dito. Ito ay Nihongo lang po.

Paghahanda sa Paglilinis ng Yelo

Magaan ang mga bagong yelo na nai-ulan/pumatak, kaya magaan din ang pahirap na naidudulot nito. Para mabilis at ligtas ang paglilinis ng yelo, ihanda ang mga bagay na nakalista sa ibaba:

  • Damit/kasuotan na panlaban sa lamig (halimbawa: sombrero, hindi nakakadulas na sapatos, glove na kontra lamig)
  • Tuwalya
  • Pala, na di madaling kapitan/dikitan ng yelo
  • Cellphone/mobile phone

Mag-stock (handa) ng drinking water at mga kailangang gamit pang-araw-araw

Kapag maraming umulan ng yelo, may posibilidad na magkaroon ng shortages sa mga pagkain, at ang kuryente at ang gaas ay maaring maputol. Bukod sa paghahanda ng mga pagkain at mga drinking water, dapat huwag kalilimutang ihanda ang flashlight, cassette stove (camping stove) at iba pa.

Gumamit ng Pang-Taglamig na Gulong sa Sasakyan

Hindi lang yelo ang dapat ingatan. Ang tumigas na tubig/yelo ng lansangan, ay dapat pagka-ingatan din. Kung magmamaneho ng sasakyan, gumamit ng mga gulong na pang-taglamig (o stud less tires), at minsan, gumamit din ng tire chains.

Sa mga Taong Hindi Kayang Maghanda

Sa mga taong hindi kayang maghanda, o mga matatanda na na hindi kayang lumabas ng bahay kung umuulan ng yelo, o mga taong hindi kayang linisin ang umulan na yelo, o mga taong kailangan ng tulong, tumawag lang po kayo. Ang mga tao ng City Hall ang silang tutulong.

Ispesyal na numero ng lungsod ng Takasaki para sa pagtugon ng sakuna

Tel: 027-321-5000

Kontakin/Inquiry

Bouzai Anzen Ka (Disaster Prevention and Safety Department)

Tel: 027-321-1352


Foreign Languages (外国語)