本文
Duration: Mula Pebrero 16, Lunes, hanggang Marso 16, Lunes
Ang paggawa ng dokumento/form tungkol sa Tax Return ay makikita sa HP ng goverment tax office. Paki-check po ang link<外部リンク> na ito. (Link sa labas)
| e-Tax | Puedeng mag file o mag-apply sa online kung mayroong MyNumber card, password at ID ng e-Tax. Maaring alamin ang mga ito sa HP ng government tax office. |
|---|---|
| By postal o koreo | I-print ang aplikasyon na ginawa, at isulat sa envelope ang address na ito: 〒370-8611, Takasaki Zeimusho (Takasaki Tax Department). |
| Pag-apply ng on-site | *Kung mag-a-apply sa tanggapan ng opisina ng buwis on-site, kailangan ang admission coupon number sa pagpasok. May limitasyon ang oras ng pagtanggap. Makukuha ang admission coupon number sa HP ng Government Tax Office, at ito ay nasa public LINE account. Duration ng Pagtanggap: Mula Pebrero 16 hanggang Marso 16 (hindi kasama ang Sabado, Linggo at Piesta Opisyal), Mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon. Puede ring mag-file o mag-apply sa Marso 1, Linggo. Lugar: Viento Takasaki<外部リンク> (Link sa labas), Tonya Machi 2 chome *I-expect na maaring maraming tao ang darating, kaya pumunta nang maaga o kaya magpa-reserve. |
Mula Pebrero 16, Lunes, hanggang Marso 16, Lunes
| By postal o koreo | I-print ang Return Tax form, at sa envelope isulat ang 〒370-8611 Takasaki Shikayusho Shiminzei-ka. |
|---|---|
| Window Counter | Duration (tagal) ng Pagtanggap: Mula Pebrero 16 hanggang Marso 16 (Hindi kasama ang Sabado, Linggo at Piesta Opisyal) Window counter at Duration ng Oras: Sa 2F ng city hall, Window 28, Mula 8:30 ng umaga hanggang 5:15 ng hapon. Kapag sa branches: Mula 8:30 ng umaga hanggang tanghali, at mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 5:15 ng hapon. *I-expect na maaring maraming dumating na mga tao sa city hall. Ina-advise na pumunta kayo nang maaga, o kaya magpa-reserve kayo. Kung magpapa-reserve, pumunta sa HP ng Takasaki City Hall, at doon sa public LINE account, doon mag-pa-reserve. |