ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > 20,000 Yen Financial Allowance ang Ibibigay sa mga Bata

本文

20,000 Yen Financial Allowance ang Ibibigay sa mga Bata

ページID:0083925 更新日:2026年2月27日更新 印刷ページ表示

Mula sa pagtanggap ng tulong galing sa gobyerno, ang tulong na “Bukka daka kosodate ouen teate” or, “Child support allowance to combat rising price” ay ibibigay. Ang halaga ay ¥20,000 bawat isang bata. Ang financial allowance na ito, na tulong, ay para sa one-time lang. Ipapadala ito sa account na tumatanggap ng child support allowance.

Eligible na bata

Ang mga batang ipinanganak noong 2007.4.2, or, 2 ng Abril ng 2007, hanggang 2026.3.3., o kaya ng 3 ng Marso ng 2026,  ang mga eligible lang.

Tungkol sa pag-apply

Mga batang puede nang Hindi mag-apply

Ang mga batang tumatanggap na ng jidouteate o child financial support na nagsimula pa noong September ng 2025. (Ang mga batang ipinanganak noon pang September 2025 ay nakakatanggap ng child support, or teate, mula ng Oktubre, 2025), na makakatanggap din ng sobre/notice sa unahan ng Pebrero. Sa Pebrero 24, Martes, naman sila makakatanggap ng jidouteate. Ang mga batang ipinanganak noong Oktubre 2025 hanggang 31 ng Marso, 2026, pagkatapos nilang mag process ng jidoteate, ay ipapadala ang notice sa madaling panahon, na naayon sa listahan.

Mga Tao o Bata na dapat mag-aaply

Ang mga batang napapaloob sa ibaba ay dapat mag-apply sa Katei Ka, hanggang Pebrero 27, Biyernes.

  • Ang mga civil servants na tumatanggap ng allowances sa kompanya
  • Ang mga bata na naging new recepient ng child allowance sa mga couple na nag divorce sa pagitan ng 2025.10.1, or 1 ng Oktubre 2025, hanggang 2026.3.31, or 31 ng Marso, 2026 (kasama na rin ang negosasyon sa pagdi-divorce). Para sa karagdagan, ang mga bata na may pagbabago ng recipient status ay dapat mag-apply muna.
  • Ang mga batang may edad na 18 o pababa, at hindi tumatanggap ng child allowance (hindi kasama ang mga civil servants)

Sa mga taong apektado ng Domestic Violence (DV), kasama ang mga bata, na nag-evacuate sa ibang siudad, ay maaaring makatanggap ng mga benepisyo. Magpa-konsulta sa Katei Ka, or Children and Family Division, sa madaling panahon, sa availability ng mga benepisyo.

Mag-ingat sa mga Scammers

Ipapadala sa inyo ang amount na babayarin, at ang City Hall ay maaring puntahan kayo o tanungin kayo sa inyong bahay o sa inyong pinag-ta-trabahuhan, para humingi ng mga iba pang impormasyon, subalit, hindi sila magtatanong tungkol sa pamamaraan ng pagbayad sa ATM, o mag-request ng pagbabayad sa processing charges, o mag-pa-transfer ng pera. Kung nakatanggap kayo ng mga tawag na suspisyuso, tawagan agad ang Katei Ka, or Children and Family Division, o kaya ang pinaka malapit na police station, o kaya police hotline number (#9110).

Kontakin

Tungkol sa Sistema

Children and Family Call Center or,  Kodomo Kateisho Ko-ru Senta

Tel: 0120-252-071

Tungkol sa pag-Apply

Sa Takasaki City Hall, sa Kodomo Kateika, or, Children and Family Division

Tel: 027-321-1247


Foreign Languages (外国語)