ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Ibibigay ang ¥30,000 Bilang “Regalo sa Panganganak”

本文

Ibibigay ang ¥30,000 Bilang “Regalo sa Panganganak”

ページID:0084877 更新日:2026年3月12日更新 印刷ページ表示

Hanggang Marso 31, 2026, ang lungsod ng Takasaki ay nagbibigay ng financial support, o benipisyo, sa mga batang ipinanganak sa lungsod ng Takasaki, na hindi nakasali sa Health Insurance. Ang halaga ng financial support ay ¥50,000. At ang tulong na ito ay magtatapos na. Mula naman sa Abril, 2026, may panibagong tulong o benipisyo naman ang lungsod ng Takasaki bilang “Selebrasyon sa Panganganak“, o puedeng tawaging, “Regalo sa Panganganak”, para sa tulong sa kanilang pamilya, kahit na ang panganganak ay caesarian o normal delivery.

This time, ang ibibigay ay ¥30,000 sa isang bata (kapag kambal ay ¥60,000), bilang “Regalo sa Panganganak”. Ang tulong (o benepisyo) na ito ay isang digital currency, o ”digital money”, na tinatawag na “Takasaki Municipal Digital Money”, kasi ang digital money na ito ay magagamit lang sa loob ng lungsod ng Takasaki. Magagamit (redeem) lang ito sa mga lokal establishments o mga local stores na miyembro sa programang ito ng lungsod. Para sa mga detalye, tinggan ang impormasyon na nakapaloob sa mga papeles na ibinibigay sa mga nanay, after na manganak sila ng Abril 1. Ang papeles na ito ay tinatawag na “Impormayon Para sa Pagpapa-check-up ng Sanggol”.

Eligible/Ang Makakatanggap Lang

Ang makakatanggap ay ang mga nanay na nanganak ng Abril at ipina-reshitro nila ito sa Lungsod ng Takasaki. Sa Hulyo naman makakatanggap ng benepisyo ang mga bata na ipinanganak sa pagitan ng: mula Abril hanggang Hunyo. Ang impormasyon/notipikasyon ng benepisyo na ito, isang papeles, ay matatanggap ng nanay pagkatapos niyang manganak at magpa-rehistro, kasi ibibigay ang papeles na tinatawag na “Impormayon Para sa Pagpapa-check-up ng Sanggol”, kapag ang nanay ay nag-parehistro siya ng anak sa Lungsod.

Tungkol sa Paggamit

Para magamit ang benepisyo na ito, dapat po kayong gumamit ng app na ”J-Coin Pay”. Ang app na ito ay tinatawag din na “Electronic Regional Currency App”, at dapat po kayong mag parehistro rito. Dito rin ninyo makikita sa app na ito ang listahan ng mga stores na miyembro. Para sa karagdagang impormasyon, pakitingnan ang website ng lungsod dito (sa wikang Hapon lamang).

Kontakin

Kenkou Ka

Tel: 027-381-6114


Foreign Languages (外国語)