本文
Magsimula po sa Abril, 2026, ang mga paaralan sa elementary schools, sa junior high schools, at sa mga special schools, na nangangailangan ng suporta, ay magiging libre na ang mga pagkain (pananghalian). Hindi na kailangan pang mag-apply.
Ang panibagong subsadiya (subsidy) para sa pagkain ng mga estudyante ng mga paaralan ay nabuo na po. Dahil nga, sa problema ng allergies sa pagkain, ang mga magulang ay gumagawa ng baon araw-araw para sa mga bata. At ang problema na hindi nabibigyan ng pagkain ang mga bata sa paaralan dahil sa pagliban (absent) nila ng marami, ang tulong pinansyal (o subsadiya) ay ginawa/binuo para tulungan ang mga nag-aaruga sa mga bata.
¥5,200 ang halaga ng subsadiya bawat buwan x bilang ng buwan na applicable (hanggang labing isang buwan).
Ang subsadiya na ito ay ibinibigay ng “Takasaki Electronic Regional Currency”, na tinagurian ding “Takasaki Digital Currency”. Kung papaano i-avail ang mga ito ay dapat magpa-rehisto muna rito. (Link: Nihongo)
Kenkou Kyouiku Ka. (Health and Education Department)
Tel: 027-321-1294