ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Ang direct window counter at mga extension window counters ng bawat branches ng City Hall ay tatanggalin na

本文

Ang direct window counter at mga extension window counters ng bawat branches ng City Hall ay tatanggalin na

ページID:0089678 更新日:2026年5月15日更新 印刷ページ表示

Hanggang sa ngayon, ang ibang bahagi ng main City Hall at mga bawat branches nito, ay puedeng tumanggap ng mga aplikasyon tuwing Sabado, Linggo at piesta opisyal, (sa window counters), at tuwing 8:30 a.m. ~ 5:15 p.m., ng hapon. (Halimbawa ng mga puedeng i-apply: sa rehistrasyon ng pag-aasawa, divorce notices, permit sa cremation, at iba pa). Subalit, ang mga window counters ng mga branches ay matatapos na sa Mayo, 31 (Linggo). Kaya po, mag simula ngayon, ang main City Hall na lang po ang puedeng tumanggap ng mga aplikasyon. 

Sa karagdagan, ang mga branches ng Gunma branch at Yoshii branch, at ang kanikanilang mga extension window counters, ay tatanggalin (abolish) din. Sa Gunma branch, ang extension window ng araw na Sabado, na ginaganap tuwing 8:30 umaga ~ tanghali, ay magtatapos sa Mayo, 30 (Sabado). At ang Yoshii branch, ang extension window na ginaganap tuwing Miyerkules, mula 5:15 hapon ~ 7:00 ng gabi, ay magtatapos sa Mayo 27, (Miyerkules).

Sa mga panahong ito, gamitin po ninyo ang convenient stores, o kaya, ang Takasaki Shimin Service Center, sa kanilang issuance services, gamit ang MyNumber card. Dito ay puedeng kumuha ng kopya ng juuminhyou (residence certificate), o kopya ng koseki touhon (family registry), o kopya ng ibang bahagi ng certificate ng pagbabayad ng buwis, gamit na rin ng MyNumber card. Ang Center ay bukas sa mga ganitong oras: mula 10:00 umaga ~ 8:00 gabi, tuwing Lunes hanggang Sabado.

Kontak Address

Staffing Department

Tel: 027-321-1209


Foreign Languages (外国語)