本文
Ang notisya (sulat) ng buwis para sa mga buwis ng sasakyan (ibat-ibang category) ay palaging ipinapadala sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo. Bayaran po ninyo ang mga ito hanggang sa buwan ng Hunyo 1, Lunes.
Ang mga tao na may kapansanan sa pisikal, mental at intellectual (pag-iisip) na gumagamit ng light vehicle (kei jidousha) ay binibigyan ng tax exemption ng lungsod ng Takasaki.
Subalit, ang mga tao na tumatanggap na ng exemption sa paggamit ng normal na sasakyan, at permissible card para sa taxi na galing sa Disability Welfare Division, at mga tao na gumagamit ng bus card para sa Gunma common bus, sila ay ay hindi na maaaring mabigyan ng exemption.
Ang pag-request ng exemption ay dapat mag-apply muna, hanggang sa buwan ng Hunyo 1 (Lunes).
Kung mayroon ka ng mga requirements, na makikita sa ibaba, dapat mag apply sa City Hall, 2F, sa Shimin Zei-Ka, o Property Tax Division.