ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Tungkol sa bayaran ng Residence Tax

本文

Tungkol sa bayaran ng Residence Tax

ページID:0091157 更新日:2026年6月4日更新 印刷ページ表示

Ang lungsod ng Takasaki ay palaging pinapadala ang notisya sa pagbabayad ng buwis tuwing/ sa buwan ng Hunyo, ng bawat taon. Ang mga nilalaman nito ay ang buong halaga ng piskal year ng residence tax. Subalit ang notisya ng buwis ng isang pamilya ay hindi ipinapadala kapag sila ay exempted na. 

Paraan ng Pagbayad

May dalawang uri ng pagbabayad ng residence tax.

Ang Normal na pagbabayad na pinaghati

Ang normal na pagbabayad ay apat na beses hinahati sa isang taon (tuwing/ sa mga buwan ng Hunyo, Agosto, Oktubre, at Enero ng bagong taon), at ito ay puedeng bayaran bilang installment. Dahil nga sa ito ay installment (kaunti lang ang paghahati), ang kabuoang total nito ay medyo mahal.

Kung ang pagbabayad ay sa pamamagitan ng normal na pamamaraan, ang lungsod ng Takasaki ay magpapadala ng notisya (invoice) tuwing/ sa buwan ng Hunyo bawat taon. Bayaran po ninyo ang mga ito sa loob ng nakapapaloob na deadline ng pagbabayad. Puede ring magbayad sa pamamagitan ng convenient store, o kaya, sa pamamagitan ng bank account electronic transfer. 

Ang Special na Pagbabayad

Kung nais ninyong magbayad ayun sa Special Income payment method, ipapadala ang notisya (invoice) ng residence tax bawat buwan. Sa paghahambing, dahil ang pagbabayad ay sa pamamagitan ng pagbabawas sa inyong income buwan-buwan, kumpara sa normal na pagbabayad (ng apat na beses sa isang taon), ang especial na pagbabayad ay mas magaan dahil ang binabawas na halaga ay maliit.

Kontakin

Shimin Zei-Ka Municipal Tax Division, (Tel: 027-321-1218), o kaya, sa iba pang mga branches ng Tax Division


Foreign Languages (外国語)