ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > Foreign Languages (外国語) > Tungkol sa Window Counter para sa Konsultasyon ng Buwis

本文

Tungkol sa Window Counter para sa Konsultasyon ng Buwis

ページID:0092192 更新日:2026年6月18日更新 印刷ページ表示

​Ang Nozei-Ka, (Tax Division) ng lungsod, na makikita sa loob ng city hall, 2F, Window Counter 34, ay mayroon silang window counter para sa konsultasyon ng buwis. Kung may mga problema (o, nais alamin) tungkol sa panahon ng pagbabayad ng buwis, o paraan sa pagbabayad, o problema sa pagbabayad, o ano man, ay maaari nang magpa-konsulta. Kung nahihirapan sa Nihongo tungkol dito, may mga staff na makikita sa “Sentro ng Tulong Konsultasyon sa mga Dayuhan ng Lungsod ng Takasaki”; at sila ay makakatulong sa pagsasalin ng sabayan.

​Business Hours

Maliban sa designated holidays ng city hall, ang normal business hours ay nagsisimula sa 8:30 AM (umaga) hanggang 5:15 PM, ng hapon. Dahil sa ang mga financial institutions ay maagang nagsasara, para makabayad ng buwis sa Tax Department, pagkatapos ninyong magtrabaho, ang closing hours ng Window Counter ng Nozei-Ka ay pinahaba hanggang 7:00 PM, ng gabi.

* Mag-ingat: Dahil ang pagbubukas (at operasyon) ng ”Sentro ng Tulong Konsultasyon sa mga Dayuhan ng Lungsod ng Takasaki” ay katulad ng City Hall, hanggang 5:15 PM lamang, kung dumating kayo ng huli na, or late, sa nakatakdang oras, hindi na po kayo makaka-avail ng sabayang pagsasalin.  

Tungkol sa Window Counter Pag-Linggo

Bagamat ang City Hall ay OFF (Holiday) kapag/tuwing Sabado at Linggo, ang Tax Division lang ang bukas sa kahulihulihang Linggo ng buwan, at ang Window Counters nito. Nasa parehong lugar sila, na nasa 2F, Window Counter 34. Ang oras ay 8:30 hanggang 5:15 PM, ng hapon.

Heto ang schedule ng OPENING ng araw na Linggo Para sa 2026 (R8)
Araw ng Implementasyon
Abril 26 Oktubre 25
Mayo 31 Nobyembre 29
Hunyo 28 Disyembre 27
Hulyo 26 Enero 31 (Ng Taon na Susunod)
Agosto 30 Pebrero 28 (Ng  Taon na Susunod)
Septembre 27 Marso 28 (Ng Taon na Susunod)

Kontakin

Nozei Ka, Tax Division
Tel: 027-321-1224


Foreign Languages (外国語)