本文
Dapat mag-sumite ng notisya kung sasali o magbibitiw sa National Health Insurance (o, Kokumin Kenkou Hoken), tulad sa mga dahilan ng: pagre-retiro, bago sa trabaho, paglipat o paglabas ng bansa. Sa loob po ng 14 days bago sa nakatakdang paglipat, dapat magbigay notisya (pag-proseso ng dokumento) sa nakatalagang Window Counter.
| Mag-submit sa ganitong pagkakataon | Mga Requirements | ||
|---|---|---|---|
| Pag-Join/Enrol | Pag-lipat o Pagpasok | Sertipikasyon, galing sa local unit, sa dating tinirahan | *MyNumber (Personal Number) at ID, para sa personal confirmation |
| Nag-resign sa trabaho o independent na | Papeles/dokumento na Nagbitaw sa Shakai Hoken (Galing sa Kompanya) | ||
| Nanganak | Boushi Techo (Health Record Booklet ng nanay at anak) | ||
| Drop-out/Nagbitiw | Lumipat, Pumanaw | ID Card na galing sa National Health Insurance: na Shikaku Kakunin Sho o Shikaku Jouhou no Oshirase | |
| Nakakuha ng trabaho, o naging dependent | ID Card galing sa National Health Insurance at galing sa Shakai Hoken: na Shikaku Kakunin Sho o Shikaku Jouhou no Oshirase | ||
| Tumira sa labas ng siudad habang nag-aaral, nag-graduate na, at hindi na estudyante | ID Card na galing sa National Health Insurance: na Shikaku Kakunin Sho o Shikaku Jouhou no Oshirase | ||
| At iba pa | Nagbago ang address, ang head ng family, at pangalan | ID Card na galing sa National Health Insurance: na Shikaku Kakunin Sho, o Shikaku Jouhou no Oshirase | |
| Kung lalabas ng siudad ng Takasaki | ID card na galing sa National Health Insurance: na Shikaku Kanunin Sho o Shikaku Jouhou no Oshirase, at Student ID card (Kahit kopya ng Student ID card) | ||
| Pagkawala ng ID card, na Shikaku Kakunin Sho o Kakunin Jouhou Sho | * ID para sa personal confirmation | ||
Kung ibang tao ang gagawa nito, (gamit ang agent), kailangan ang power of attorney.
Kung nais makakuha ng ID Cards para sa Shikaku Kanunin Sho o Shikaku Jouhou no Oshirase, sa araw na iyun, kailangan ang residence card na may picture. Kung agent naman ang gagawa, ito ay magagawa sa pamamagitan ng koreo o postal service.
Hoken Nenkin Ka, Insurance and Pension Division
Tel: 027-321-1235