本文
Ang Yorisoi Hotline ay tumatanggap po ng ibat-ibang konsultasyon sa ibat-ibang wika (multi-lingual). Tulad sa permit to stay, o kaya sa pamumuhay sa Japan, discriminatory (inaapi), DV, o halos magpakamatay sa hirap, at iba pa, huwag pong sarilihin ang problema, magpa-konsulta po kayo.
Gamitin po ang teleponong nakalaan lamang para sa mga wika/lingguwahe na hindi Nihongo. Puede ring magpa-konsulta sa pamamagitan ng SNS, FAX, o iba pa, maliban sa telepono. Para sa mga detalye, puntahan o tingnan ang homepage ng Yorisoi Hotline<外部リンク>. (Ang link ay nasa labas)
Available na Oras: Araw-araw, mula 10:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi
(Kapag ang guidance ay nagpi-play na, pindutin po ang numero 2. Iko-connect po nila kayo sa special line na para lang sa wikang dayuhan.)