本文
Kung nalilito kung dapat tatawag ka ba ng Ambulansya o pupunta ng hospital, halimbawa, sumama ang pakiramdam o nasugatan, tawagan po ninyo ang Gunma Ken Kyu-Kyuu Anzen Senta (Gunma Pref. Emergency Safety Center). Mayroon silang nurses o medical staffs, at special staffs na nagbibigay ng mga payo anytime sa tawag telepono, ng 24 oras. Ang konsultasyon ay libre, subalit ang bayad sa pagtawag ay inyo pong sagutin.