本文
Ang HPV Vaccine ay bakuna para protektahan ang cervix (bahay sinapupunan ng sanggol) sa cervical cancer laban sa HPV virus na sanhi ng kanser sa cervix. Ang cancerous virus na ito ay tinatawag na Human Papilloma Virus, HPV. Mula Grade 6 ng elementary school hanggang First year ng Junior High School ay binibigyan sila ng libreng bakuna para rito. Ang bakuna ay ini-inject (tinutusok) ng tatlong beses, at karamihan, normal lang na aabutin ito ng halos anim (6) na buwan. Sa mga nais magpabakuna, hinihikayat po naming ikonsidera ninyo ang maagang pagpa-bakuna.
Ang mga medical institutions (tulad ng hospitals) na nagbabakuna ay makikita sa HP ng siudad ng Takasaki, kung nais ninyong magpa bakuna. Kung magpapa bakuna sa ibang siudad (sa labas ng lungsod ng Takasaki), dapat tawagan muna ninyo ang Hoken Yobo Ka (Health Prevention Division).
Hoken Yobo Ka (Health Prevention Division)
Tel: 027-381-6112